
Ang renaissance ay tumutukoy sa panahon ng kasaysayan sa Europa mula ika-14 hanggang ika-16 na dantaon. Nangangahulugang ito na “muling pagsilang”. Ang muling pagkamulat sa kultural at klasikal na kaalaman ng Greece at Rome na nagbibigay sa kahalagahan ng tao. Isang pagbabalik sigla sa mga makalumang interes mula sa mga pangangailangang espiritwal noong Panahong Medieval. Dapat ang mga tao ay maging malaya sa paglinang ng kanyang mga kakayahan at interes at dapat hangarin ng tao ang lubos na kasiyahan sa pangkasalukuyang buhay.Ang naging batayang itelektuwal ng renaissance ay ang sariling likha nitong bersiyon na humanismmo mula sa muling pagkakatuklas sa klasikal na pilosopiyang griyego, tulad ng kay Protagoras na nagsabi na “Ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay” Ang panibagong pag-iisip na ito ay inihayag sa sining, arkitektura, politikal, agham, at panitikan. Ang sinaunang halimbawa ay ang pagpapaunlad ng perspektibo sa pagpipintang langis at ang ginamit muling kaalaman sa kung p...