Ang renaissance
ay tumutukoy sa panahon ng kasaysayan sa Europa mula ika-14 hanggang ika-16 na
dantaon. Nangangahulugang ito na “muling pagsilang”. Ang muling pagkamulat sa kultural
at klasikal na kaalaman ng Greece at Rome na nagbibigay sa kahalagahan ng tao.
Isang pagbabalik sigla sa mga makalumang interes mula sa mga pangangailangang
espiritwal noong Panahong Medieval. Dapat ang mga tao ay maging malaya sa
paglinang ng kanyang mga kakayahan at interes at dapat hangarin ng tao ang
lubos na kasiyahan sa pangkasalukuyang buhay.Ang naging batayang itelektuwal ng
renaissance ay ang sariling likha nitong bersiyon na humanismmo mula sa muling pagkakatuklas sa klasikal na pilosopiyang
griyego, tulad ng kay Protagoras na nagsabi na “Ang tao ang sukatan ng lahat ng
bagay” Ang panibagong pag-iisip na ito ay inihayag sa sining, arkitektura, politikal,
agham, at panitikan. Ang sinaunang halimbawa ay ang pagpapaunlad ng perspektibo
sa pagpipintang langis at ang ginamit muling kaalaman sa kung paano gumawa ng
semento. Bagama’t pinabilis ng imbensyong metal
movable type ang pagkalat ng mga ideya sa dulo ng ika-15 dantaon, ang mga
pagbabago ay hindi pantay-pantay na naranasan sa buong Europa. Ang mga naging
epekto nito ay nagbigay daan sa pagpapaunlad ng kultura ng iba’t-ibang tao sa
daigdig lalo na ang mga Europeo. Pinaunlad ng renaissance ang sining,
pilosopiya at ang kagandahan ng mga likhang sining.
Ayon sa aking natutunan, binigyang diin ang pagbabalik interes sa mga kaalamang klasikal. Nagpago ang pananaw ng mga tao sa panahong ito ay tinalikudan nila ang mga pamahiin. Naganap ang malaking pagbabago sa kabuhayan at naging maningning ang panahong ito sa larangan ng pagsulat, pagpinta, eskultura, at arkitektura.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento